(source) |
Unang-una, paumanhin. Sana maniwala kang di ko 'to sinasadya, pero ‘eto na naman kasi ako – sa pagsusulat lang magawang ilabas ang
saloobin. Nakita ko lang kasi sa news feed nung nagpalit ka ng profile pic.
Ayokong sabihin na hindi ako napangiti nung nakita ko ‘yon. Para bang lalong
gumanda ang araw ko. Naging maaliwalas bigla ang paligid ko kahit kani-kanina
ko lang pinupunasan ang pawis sa noo dahil sa alinsangan ng panahon. Huwag
mo sanang pag-isipan ng iba o laban sa akin. Parang gumaan lang kasi konti ang pakiramdam ko. Yun bang parang may sariwang hangin na biglang sumipol patungo sa kinauupuan ko. Kahit ini-scroll ko na pababa ang feed sa Facebook at hume-head bang sa
Coldplay, nakangiti pa rin akong mag-isa. Sa loob-loob ko, nagmukha akong may sayad. Buti na
lang walang ibang tao.
Ilang
taon na ba? Ayoko na sanang bilangin kung ilan na kasi lalo akong nagmumukhang tanga at
gago. Hehe, pasensya ha sa lenggwahe, pero ganun pa rin kasi ang tingin ko sa sarili
ko sa tuwing bumabalik ulit sa akin yung panahon na minsan, nagkaroon sana ako
ng pagkakataon. Ayokong isipin na sumagi din sa isip mo na naging ganun nga ako
nung mga panahong ‘yon. Pero totoo, naging tanga at gago nga ako. Masyadong
mababaw sabihin na naging torpe lang ako. Di na rin bagay sa akin na ilarawan nang
ganyan. Masyadong pang-high school.
Ilang
taon na din pala ang dumaan. Di ko na rin napansin kasi marami-rami na rin namang
nangyari sa buhay-buhay natin pareho. Ngayon ko lang muling naisip na
matagal-tagal na rin pala mula nung huling umawit ang mga ibon para sa akin. Sa
isip ko noon, hindi lang para sa akin ang himig na 'yon. Mukha nga siguro talaga akong
may sayad ano? Bigla-biglang nagmamakata at napapaisip na umaawit ang mga ibon. Nagmo-move-on kahit wala namang nasimulan, malamang, wala ring dahilan. Pero
tanong ko lang kung nakarinig ka na ng awit ng mga ibon? Minsan kasi di ko
sigurado kung umaawit nga sila o parang nagkukwentuhan lang.
Hindi
ko rin alam kung bakit ilang taon na ang dinaan ng ganitong guni-guni ko.
Natatawa na rin ako pag minsan. Pero minsan may laman pa rin ‘yung mga tawang
‘yun. Oo na. Tanga at gago nga ako, sinabi ko naman di ba? May laman ang mga
tawang ‘yun kasi iba din kasi ang naging hagod ng mga tawang ‘yun sa akin.
Iba ang dalang saya. Yun bang saya na may kakambal na pag-asa. Di ko talaga
ma-ipaliwanag. Alam ko, kahit papano, naiintindihan mo yung tipo nang saya na
ganun. Sana.
Sinabi
ko na dati na ayoko nang mag-isip o mag-tanong kagaya ng paano kaya kung naging
iba ang takbo ng panahon. Mas maging masaya kaya ang mga araw? Naging mas malakas kaya ang
pag-awit ng mga ibon? Maririnig kaya natin minu-minuto ang mga himig nila?
Kung
naging gayon, sigurado ako na sa akin, oo. Gusto ko rin namang isipin na ganun
din sa’yo. Siyempre, kahit sino naman siguro. Pero nag-iba nga ng landas ang mga huni at unti-unti na ngang pumalayo sa aking pandinig. Inisip ko na lang
rin na patuloy pa rin sanang umaawit ang mga ibon para sa ‘yo.
Alam
ko na maraming bagay na hindi naging ako, marami-raming bagay na hindi ako, at
palagay ko maraming bagay pa na hindi magiging ako sa hinaharap. Hindi ko alam
kung ang mga pagkukulang na ito ang magbibigay puwang sa ‘yo. Ayoko na ring
isipin. Para sa akin, ang mas mahalaga ay ang maging masaya ka sa mga bagay na
mas karapat-dapat sa ‘yo. Cliché,
ika nga ng kagaguhan sabi pa ni Bob Ong. Pero, totoo, yun ang naging laman ng
dasal ko. Peksman. Cross my
heart.
Sa
totoo lang, nagtataka ako kung bakit bumabalik ulit ang mga bagay na ito
ngayon. Ilang beses na din naman tayong nag-usap na parang walang nangyari. Na parang
walang nagdaan. Lilinawin ko lang, sarili ko lang ang tinutukoy ko dito, kasi
yun lang ang malinaw sa akin.
Ewan, naging ok naman sana ang simula ng araw ko ngayon. Nagpapalipas lang naman sana ako ng oras. Sana di na lang ako nagbukas ng internet. Pero isa na kasi yun sa mga nakagawi-an ko tuwing nasa bahay lang pagkatapos mag-simba. Pati ilang beses ko na rin nakita sa news feed sa account ko ang iba’t-ibang lawaran mo. Kaya lang, parang iba kasi yung kanina, parang mas may ningning na biglang nagpakislot sa mga alaalang di ko inakalang nandun pa rin pala. Basta, ayoko nang dugtungan pa. Sana hinabaan ko na lang ang kwento sa mga bata sa bahay nung tumawag ako kanina. Ewan, hanggang ngayon kasi, parang wala pa rin akong ganang tumawag sa iba. Iba pa rin kasi yung dati.
Ewan, naging ok naman sana ang simula ng araw ko ngayon. Nagpapalipas lang naman sana ako ng oras. Sana di na lang ako nagbukas ng internet. Pero isa na kasi yun sa mga nakagawi-an ko tuwing nasa bahay lang pagkatapos mag-simba. Pati ilang beses ko na rin nakita sa news feed sa account ko ang iba’t-ibang lawaran mo. Kaya lang, parang iba kasi yung kanina, parang mas may ningning na biglang nagpakislot sa mga alaalang di ko inakalang nandun pa rin pala. Basta, ayoko nang dugtungan pa. Sana hinabaan ko na lang ang kwento sa mga bata sa bahay nung tumawag ako kanina. Ewan, hanggang ngayon kasi, parang wala pa rin akong ganang tumawag sa iba. Iba pa rin kasi yung dati.
Iba
pa rin kasi yung kahit madaling araw na natapos ang kwentuhan, maaga ka pa ring
gigising para simulan ang bagong araw. Yung tipong matitigilan ka na lang bigla sa
trabaho, kahit anong busy, mapapangiti ka kasi may naalala ka. Basta, alam mo na rin siguro ‘yun.
Alam ko, parang pangteen-ager pa rin ang kilig ko. Nakakatawa na nakakahiya.
Inaayos ko na rin naman ang sarili
ko. Pinag-aaralan ko nang tanggapin ang mga bagay-bagay na siguro sadyang hindi
ukol. Pero pinagsisikapan ko na rin na subukang ipaglaban ang mga bagay kung
talagang dapat kong ipaglaban. Para sa susunod na umawit ulit ang mga ibon,
kaya ko nang manindigan kahit puno pa rin ako ng pagkukulang.
Pasensya
na, alam ko lilipas din 'to. Dala lang siguro ng maling pitik ng utak ko. Siguro, dala lang ng mga banat ni Chris Martin na nagpapa-ingay sa tahimik na silid. Sa
susunod, mas lalakasan ko na lang siguro ang pag-head bang para mas
madaling mawaksi sa isip yung mga ganitong alaala.